Kachichas and Shiminepsheps

Formspring | Ask

Posts tagged formspring.me

Jan 24 '10

Walang laman ang utak ko ngayon, Formspring lang ang inaasahan ko.

Bat di ka masyadong aktibo sa Tumblr ngayon-ngayon? Ano ba pinagkakaabalahan mo? Magjoke ka nga, namiss ko na mga biro mo tsong. B-)

Ipagpatawad mo ang aking madalas na pagkawala sa Tumblr, kapatid. Madalas lang akong napupuyat sa bagay na lubos kong pinahahalagahan kaya naman hindi na ako madalas mag-aparisyon sa Tumblr.

Kung namimiss mo na ang joke ko, kausapin mo ako sa YM ID: marianojuancho o magteks sa 09162325121

What’s the sweetest thing na pwede mong gawin para sa girl na gusto mo?

Hindi ako mapanuyong tao sa totoo lang. Hirap akong magpakita ng mga gawain ng panunuyo sa damdamin. Hirap akong magisip ng mga bagay na ikakikilig ng mga babae. Sa palagay ko, sa ganitong pagkakataon, ipinakikita ko lang ang tunay kong ugali at hahayaan ko na lamang na makitaan nila ng bagay na gusto nilang makita.

Mas gusto kong magpakatotoo at magpakapraktikal, at maging diretso sa mga bagay na gustong maramdaman ng isang babae, gaya ng kantutan.

anong maipapayo mo sakin? sawang sawa nakong maging habulin ng mga babae at bading… -DICK

Kaibigang Dick,

Kung mamarapatin mo sana, nais kong ipayo sa’yo ang kaugalian ko ng hindi pagligo. Sapagkat walang sino man ang makatitiis na habulin ang bagay na langaw lamang ang tumatangkilik.

bakit ang cool mo? simpleng tanong, nobela ang sagot? idol kita pre! IDOL!!

Tsong, walang cool dun. Nakakatamad ngang magbasa ng mga reply ko, pati ako tinatamad magbasa. Hindi bagay ang sagot ko sa mga katulad kong may napakaikling pasensya sa mga bagay na mahaba.

Salamat, salamat. Sana malaman mong mas mabuting maging magkaibigan tayo kaysa sa maging idolo mo ako dahil ayokong may humahanga sa akin kung hindi mo din naman ako bibigyan ng kwarta.

Naniniwala kasi ako sa konsepto na ang simpleng tanong ay hindi nangangailangan ng simpleng sagot. Kaya naman hindi ako pumapasa sa mga exam na essay-based.

mahal mo ba ko?

Mahal kita, walang iba. Paniwalaan mo sana ako, sinta.

Sino ba namang hindi magmamahal ng lasenggang katulad mo? Sus. Alak pa nga diyan.

Drop a question, fool.

Tags: formspring.me